Biyernes, Mayo 17, 2013

MGA MAY AGIMAT NG KABAL AT KUNAT


Hanggang kailan ba ang panghabangbuhay? Siyempre, hanggang sa walang hanggan. Pero para sa mga tao, ang forever ay para lang sa hanggang sa sila ay mamatay. Minsan, inaakala ng mga tao, lalo na sa larangan ng pagmamahalan na ang forever ay magkikita pa sila sa heaven.
        Unahin muna natin ang forever na hanggang sa kamatayan. Ibinabalita ko sa'yo, na ang mga nasa earth sign tulad ng Taurus na iyong zodiac sign, ang nasa Virgo at ang nasa Capricorn ay pinagkalooban ng isang katangian na kung tawagin sa larangan ng mga pagkakaroon ng kapangyarihan ay ''kabal at kunat.'' Ibig sabihin, hindi sila basta tatablan ng mga sakit at karamdaman at kung nagkataon na sila ay ,magkasakit, mabilis ding gumagaling. Ito ang ibig sabihin ng kabal at kunat.
        Minsan, nagkukuwentuhan kami ng mga kaibigan ko tungkol sa agimat na kabal at kunat na gusto raw niyang magkaroon siya. Pero sabi ko, hindi madali ang magkaroon nito at hindi na ito kailangan ng mga nasa earth sign dahil likas na matibay at makunat ang kanilang katawan.
        Sabi ng isa pa naming kaibigan, ayaw niya ng ''kabal at kunat'' at kung puwede ay 'yung kabal'' na lang ang kanya tanong nu'ng una, bakit '' kabal'' lang ang gusto mo? Mabilis niyang sinagot na 'yung misis raw niya ay makunat, as in, madamot o mahirap hingan at sabay-sabay kaming napatawa.
        At dahil sa matibay at makunat ang katawan ng mga nasa earth sign, pangkaraniwan ng nauunang mamata ay ang kanilang mga partner in life. Sa ganitong katotohanan, mauuna sa'yo ang iyong ka-live-in. Kaya, hindi applicable sa'yo ang foreever, as in, hanggang sa ikaw ay mamatay. Pero sa panig niya ay puwede dahil nga siya ay mauuna.
        Per sa totoo lang, puwede rin namang sabay kayo. Kapag iningatan ng mga nasa air sign ang mga bahagi ng kanilang katawan na may kaugnayan sa hangin o sa hininga, 'yun, aabot siya sa sobrang katandaan. At baka nga mauna ka pa sa kanya.
        Ang isa pang ''forever'' na kahit sa langit ay magsasama ay malaong mangyari kasi ang mga ganitong matatamis na salita ng pag-ibig ay wisi lang ng mga tao sa mundo. Alam mo, minsan nu,ng si Lord Jesus Christ ay narito pa sa lupa, tinaning Siya ng mga dalubhasa sa kautusan ni Moses at heto ang sabi sa Kanya: ''Heto, ang isang taong maraming naging asawa, sino sa mga asawa niya ang kanyang makakasama sa kabilang buhay o sa heaven?'' Akala ng mga nagtanong kay Jesus ay mahirap na tanong ito pero simple lang ang sagot ni Jesus at sinabi, ''wala kahit isa sa mga naging asawa niya ang makakasama niya sa langit.'' Ibig sabihin, para sa lupa lang ang tinatawag na erotic love na nag-uugnay sa mga mag-asawa, sa magkakarelasyon at sa mga magkaka-live-in.
        Oo, nasa earth sign din ang mga nahihirapang magkaanak pero puwede pa rin naman silang mabuntis. Ganito, dahil nga sa may kabal at kunat ang kanilang katawan at inirerekomenda na masahihin o hilutin mula sa medyo mahina hanggang sa talagang malakas ang mga bahagi ng katawan mula sa mismong tiyan, balakang at sa may sex organ at sa hita. Subukan mo at kahit ikaw lang mag-isa ay makakaya mong gawin 'yan.
        Ang tungkol sa pag-a-abroad mo ay hindi na iminumungkahi dahil sa patapos na rin ang best time para ka magtrabaho sa abroad. Kaya mas maganda na magnegosyo ka na lang at ang magandang negosyo para sa nasa earth signs ay ang mga produktong may bunga ng mga halaman at ang inaani sa mga farm.

YAYAMAN SA PAGTITIPID







Meron pang puwedeng utangan at ito ay ang ating sarili. Sa papaanong paraan? Kapag binawasan natin ang gastos natin para sa sarili, ang ibig sabihin, may utang tayo sa ating sarili. Halimbawa, kapag 20 pesos ang halaga ng ating almusal at ginawa nalang nating 15 pesos, tayo ay may utang na 5 pesos sa ating sarili.
        Gayundin sa ating tanghalian at hapunan, kapag binawasan natin ang halaga ng mga ito, ibig sabihin, may utang tayo sa ating sarili. Kaya kapag ang tao ay may kakayahang magtipid, tiyak na siya ay yayaman. At gusto kong ibalita sa'yo na lahat ng mayaman ay matipid pero mayroon ding makikitang mayaman nahindi nagtitipid na sa maniwala ka o hindi, kung hindi sila magbabago ay masusumpungan nila ang kanilang sarili na mas mahirap pa kaysa daga.
        Oo, dahil ang mga isinilang sa zodiac sign na Taurus ay nagsisiyaman sa pamamagitan ng pagtitipid.

PANGUNAHING KATANGIAN NG NAIIMPLUWENSYAHAN NG TAURUS


''SLOW AND STEADY WIN THE RACE'' - ang key word para sa mga Taurus. Kaya kung laging late at babagal-bagal magsalita o magdesisyon ang iyong kasama, puwede mo na siyang hulaan, na siya ay isang tipikal na Taurus'.'

',' Likas sa mga Taurus ang laging ''late'' sa usapan, laging late sa opisina, laging late sa school, at kung siya ang iyong kasintahan, pagpasensyahan mo na rin kung siya ay laging late sa takdang oras na inyong pina-uusapan'.'

','  Ang nakakatuwa sa mga Taurus, kahit sila ay laging late, tila pumapabor parin sa kanila ang kapalaran. ''Buti na lang late din si Mam - ang bigla nilang nasasabi sa sandaling pumasok sila sa class room ng wala pa ang teacher o professor. Hindi  rin naman gaanong nagagalit sa kanila ang kanilang boyfreind o girlfreind sa panahong late sila ng dumating sa araw ng kanilang date, dahil hindi naman gaanong nainip ang nasabing lalaki o babae sa paghihintay sa isang Taurus, dahil abala din ito sa paglalaro sa kanyang cell phone o pakikinig ng music habang tinatanaw-tanaw ang magandang kapaligiran sa kanilang tagpuan'.'

',' Sinasabing kaya pala laging late ang mga Taurus sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay, kargado pala sila ng matalas na 'instincts'' na wala sa bang mga zodiac sign. Ibig sabihin, bagamat hindi sila scientific o wala sa bukabularyo nila ang ''buhay na de kahon'', markado naman ang lahat ng kanilang pagpapasya at pagdedesisyon nang sobrang husay na taglay nilang ''instincts'' na may kumbinasyon pa ng matalas ding ''intuition.''

',' Tama, dalawa ang talento o virtud ang kanilang epesyalidad. Sinasabi ng instinct nila ang posibleng maganap, habang sinasagap naman ng intuition nila ang mga pangyayaring darating pa lamang'.'

',' Ang instinc para sa kaalaman ng lahat ay iyong ''kasanayan ng isang indibidwal sa mga bagay na hindi naman niya pinag-aralan'', kung baga, kusa o likas lang niya itong alam. Ang isang ibon na marunong gumawa ng pugad ay saktong halimbawa ng instinc. Ganon din naman ang kahusayan ng isang gagamba na humabi ng kanyang bahay na daig pa ang isang dalubhasang arkitekto ay ehemplo din ng napabagsik na instinct'.'

',' Sa dalawang example na tinuruan, kasanayan ng isang ibon na gumawa ng kanyang pugad at mabusising paghabi ng bahay ng gagamba, ang talentong nabangit ay hindi itinuturo at hindi pinag-aralan, tulad ng nasabi na, ito ay instinct ng mga hayop, na maaring isalin sa salitang Tagalog na ''katalinuhang likas'' o ''talentong likas.''

',' Iyn naman intuition, siguradong alam nyo na ang ibig sabihin niyan? Iyan iyong tulad ng nasabi na, malayo palang ang isang pangyayari nararamdaman na ng isang tao na may malakas na intuition kung ano ang susunod na magaganap, halimbawa, umuwi ng lasing ang asawa ng isang Taurus, kapag pinairal niya ang kanyang matalas na intuition, mararamdaman niya kung saan talaga nangaling ang kanyang mister, kung dumaan ba ito sa beer house o sadyang nakipa-inuman lang dahil birthday ng isang kasamahan niya sa trabaho'.'

',' Kaya nga sa pakikipag-sapalaran, dapat isa alang-alang ng Taurus na hindi siya kailangan gumait ng isip o utak, sa halip intuition at instinct din ang pairalin nya sa pagpili ng mapalad na numero sa anomang uri g pakikipagsapalaran upang mas madali niyang masapol ang jackpot'.'

',' Dagdag dito, kapag pala ang isang Taurus ay may maayos, maganda at mabuting kapaligiran. Ibig sabihin ay may cute, malinis at kaibig-ibig na tahanan, ang gandang ito sa kanyang kapaligiran ay madali naman niyang naisasalin sa kanyang mga mahal sa bihay. Ibig sabihin likas na mapagmahal at mabait ang mga Taurus sa kanilang mga anak at asawa'.'

',' Sa totoo lang sa aktual na karanasan, bihirang-bihira lang sa mga Taurus ang walang hiya. Sa madaling sabi, halos lahat sa kanila ay mababait at may mabubuting kalooban, katulad ni Dikong Ben, pamangkin kong si Kjonnabelle, at marami pang iba. Pero teka muna, kung minsan, may mga hindi rin pala masyadong mababait na Taurus, sila ang mga Taurus na isinilang sa petsang 1, 10, 19 AT 28'.'

',' Sa kabilang banda, kapag ang mga Taurus naman ay may magulong kapaligiran. Halimbawa ang bahay nila ay ang daming nagkalat na lalabin, laging marumi ang kusina, laging magulo ang cabinet, at pagdating ng bahay makikita ng isang Taurus ang kanyang gusgusing anak na may uhog sa ilong at nangangapal ang dungis ng mukha, -sinasabing kapag ganyan ang laging sitwasyon nakikita ng mga Taurus, madali silang naaburido sa buhay. Pero tulad ng nasabi na, dahil likas na mabait ang mga Taurus, kung minsan magkukusa na lang silang linisin ang mga kalat, ayusin ang mga nakasabog na damit, linisin ang gusgusin nilang anak, pero habang ginagawa nila iyon, aburido at yamaot sa buhay, ang hindi nila alam ng mga Taurus, iyon ang magiging dahilan ng kanilang ''psychological stress'' na magdudulot ng karamadaman sikolohikal, nitong bandang huli, nagiging aktual na talaga itong karamdaman'.'

',' Bukod sa mga psychological illness, paborito ring dapuan ang mga Taurus ng mga sakit na may kaugnayan sa allergy sa balat, tulad ng buni, eczema at iba pang skin disease. Bihira lang ang nakaka-alam nito, pero ibubuyag ko na rin, ang mga Taurus din ang may pinaka-mabahong paa, sa 12 na zodiac signs'.'

',' Ang isa pang problema sa mga Taurus, natatakot sila na magbago. Sa ibang salita, natatakot silang harapin ang hamon ng buhay na kung tawagin ay ''change'' o pagbabago. Ang hindi alam ng mga libro sa Astrology na natuklasan ko, dahil ayaw ng mga Taurus ng ''pagbabago'' sila ang kadalasang natatagpuan tagumpay sa kanilang carrer dahil sa napakatagal nilang serbisyo sa kanilang boss o opisina. Wala kasi silang paki-alam sa sinasabi nilang ''growth'' o iyong panira ng iba na, ''hindi ka naman aasenso at lalago diyan, kaya umalis ka na dyan''. Bingi ang mga Taurus sa ganoong salita, dahil nga para sa kanila, takot sila sa pagbabago ng buhay, lalo pa ng career, kaya mas pinipili na lang nilang hindi naman magtiis, bagkus masaya na rin sila sa orihinal o dati nilang trabaho, hanggang sa duon na sila tumanda'.'


',' Sa kabilang banda, kapag ang mga Taurus naman ay may magulong kapaligiran. Halimbawa ang bahay nila ay ang daming nagkalat na lalabin, laging marumi ang kusina, laging magulo ang cabinet, at pagdating ng bahay makikita ng isang Taurus ang kanyang gusgusing anak na may uhog sa ilong at nangangapal ang dungis ng mukha, -sinasabing kapag ganyan ang laging sitwasyon nakikita ng mga Taurus, madali silang naaburido sa buhay. Pero tulad ng nasabi na, dahil likas na mabait ang mga Taurus, kung minsan magkukusa na lang silang linisin ang mga kalat, ayusin ang mga nakasabog na damit, linisin ang gusgusin nilang anak, pero habang ginagawa nila iyon, aburido at yamaot sa buhay, ang hindi nila alam ng mga Taurus, iyon ang magiging dahilan ng kanilang ''psychological stress'' na magdudulot ng karamadaman sikolohikal, nitong bandang huli, nagiging aktual na talaga itong karamdaman'.'

',' Bukod sa mga psychological illness, paborito ring dapuan ang mga Taurus ng mga sakit na may kaugnayan sa allergy sa balat, tulad ng buni, eczema at iba pang skin disease. Bihira lang ang nakaka-alam nito, pero ibubuyag ko na rin, ang mga Taurus din ang may pinaka-mabahong paa, sa 12 na zodiac signs'.'

',' Ang isa pang problema sa mga Taurus, natatakot sila na magbago. Sa ibang salita, natatakot silang harapin ang hamon ng buhay na kung tawagin ay ''change'' o pagbabago. Ang hindi alam ng mga libro sa Astrology na natuklasan ko, dahil ayaw ng mga Taurus ng ''pagbabago'' sila ang kadalasang natatagpuan tagumpay sa kanilang carrer dahil sa napakatagal nilang serbisyo sa kanilang boss o opisina. Wala kasi silang paki-alam sa sinasabi nilang ''growth'' o iyong panira ng iba na, ''hindi ka naman aasenso at lalago diyan, kaya umalis ka na dyan''. Bingi ang mga Taurus sa ganoong salita, dahil nga para sa kanila, takot sila sa pagbabago ng buhay, lalo pa ng career, kaya mas pinipili na lang nilang hindi naman magtiis, bagkus masaya na rin sila sa orihinal o dati nilang trabaho, hanggang sa duon na sila tumanda'.'
',' Pero kung sadyang umalis ang isang Taurus sa kanyang dating trabaho, sigurado namang taon ang bibilangin bago siya lumipat ng ibang trabaho o kumpanya. Kaya naman, hindi napapansin ng mga Taurus at ng mga nanood na dahil sa hindi umaalis sa dating trabaho ang isang Taurus, masyado na nya ito nama-master o nagiging dalubahasa na siya sa trabahong iyon, kaya kapag pumasok siya sa ibang kumpanya, tanggap agad siya, dahil sisiw na sisiw nalang ang trabahong ipapagawa sa kanya, dahil tulad ng naipaliwanag na, ''taon ang binibilang sa trabaho niyang iyon at kabisadong-kabisado na talaga niya.''
',' Kaya nga ang kasunod nito, bihira sa mga Taurus ang hindi tagumpay sa kanilang career lalo na silang mga Taurus na maagang nakapag-established ng kanilang propesyon o maagang nakatagpo ng permanenteng ikabubuhay. Sa career o gawaing iyon, duon sila magiging maligaya, at magtatagumpay'.'
',' Bukod sa mababit at may mabuting kalooban, masipag din ang mga Taurus, kaya nga tulad ng nasabi na, bihira sa mga Taurus ang tamad o walang ginagawa. Lagi silang may trbaho, lagi silang may hanap buhay  at hini talaga sila mapapakali kung wala silang ginagawa na pagkakakitaan'.'
',' Kaya nga dapat hangaan ang isang Taurus na laging may trabaho, na hindi naman dapat ikumpara sa mga Leo na laging walang trabaho at nahusto na sa buhay na patambay-tambay lang'.'
',' Sa pag-ibig, pakikipag-relasyon at pag-aasawa, dahil likas na mabait ang mga Taurus, ika nga ay hindi naman sila ''self-fulfilling'' o sa ibang salita, ay hindi naman nila masyadong pinapahalagahan ang kaligayahan ng inner self nila, sa pagpili ng mapapangasawa, unconsciously sinassabi nalang nila ang ganito kapag malapit na silang mag-asawa, ''puwede na yan, talagang ganon e!'' Subalit dahil nga malakas ang intuition, ang nakakatuwa sa mga Taurus, kahit na ginamit ng unconscious nila ang salitang ''puwedi na yan, talagang ganon e!'' Suwete na nagkakaroon parin sila ng isang mabuti at mabait na asawa'.'
',' Rito na nagaganap sa kapalaran ng mga Taurus ang sinasabi ng psychologist na si Carl Jung, ''kung sino ka iyon din ang iyong makakasama at mapapangasawa!'' At dahil nga likas na mabait at mabuti ang isang Taurus, kahit hindi nila gaanong mahal ang kanilang napapangasawa, pinagpapala at binibigyan parin sila ni Lord ng isang mabuti at mabait na asawa'.'

',' Kaya nga ang pangalawang trivia: ''Dalawa lang ang kadalasang may happy family sa lahat ng zodiac signs ang Taurus at ang Cancer.'' Ka-compatible ng mga Taurus ang kapwa nya earth type sign na Virgo, Capricorn at kapwa nya Taurus.

',' Sa negosyo, mapalad ang Taurus sa mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Nangyari, dahil masarap silang magluto, kagaya dinb ng mga Libra. Bukod sa pagkain, okey din sa mga Taurus ang negosyong may kaugnayan sa pabango, sa mga body accessories, lalo na iyong mga gamit sa katawan na pampaganda, pampaputi, at pampakinis ng balat. Ang negosyong may kaugnayan sa entertainment o iyong niiilibang ang mga tao o mga nanonood ay puwedi ding subukan ng mga Taurus. Mapalad dinsila sa tindahan, lalo na sa groceries, at produktong butil, kung sila mismo ang magtitinda habang nakikipag-tsikahan sa mga costumer ay siguradong duon sila uunlad at magiging maligaya. Ang paghahalaman, lalo na ang pagtatanim ng rnamental plants ay maari rin nilang isaalang-alang bilang negosyo at libangan. Sa pang-propesyunal naaspeto, bagay sa kanila ang kursong accounting, stockbroker, ekonomist, appraiser, at lahat ng larangan nagbibilang at nagku-compute ng napakaraming halaga ng salapi'.'