Biyernes, Mayo 17, 2013

YAYAMAN SA PAGTITIPID







Meron pang puwedeng utangan at ito ay ang ating sarili. Sa papaanong paraan? Kapag binawasan natin ang gastos natin para sa sarili, ang ibig sabihin, may utang tayo sa ating sarili. Halimbawa, kapag 20 pesos ang halaga ng ating almusal at ginawa nalang nating 15 pesos, tayo ay may utang na 5 pesos sa ating sarili.
        Gayundin sa ating tanghalian at hapunan, kapag binawasan natin ang halaga ng mga ito, ibig sabihin, may utang tayo sa ating sarili. Kaya kapag ang tao ay may kakayahang magtipid, tiyak na siya ay yayaman. At gusto kong ibalita sa'yo na lahat ng mayaman ay matipid pero mayroon ding makikitang mayaman nahindi nagtitipid na sa maniwala ka o hindi, kung hindi sila magbabago ay masusumpungan nila ang kanilang sarili na mas mahirap pa kaysa daga.
        Oo, dahil ang mga isinilang sa zodiac sign na Taurus ay nagsisiyaman sa pamamagitan ng pagtitipid.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento