Hanggang kailan ba ang panghabangbuhay? Siyempre, hanggang sa walang hanggan. Pero para sa mga tao, ang forever ay para lang sa hanggang sa sila ay mamatay. Minsan, inaakala ng mga tao, lalo na sa larangan ng pagmamahalan na ang forever ay magkikita pa sila sa heaven.
Unahin muna natin ang forever na hanggang sa kamatayan. Ibinabalita ko sa'yo, na ang mga nasa earth sign tulad ng Taurus na iyong zodiac sign, ang nasa Virgo at ang nasa Capricorn ay pinagkalooban ng isang katangian na kung tawagin sa larangan ng mga pagkakaroon ng kapangyarihan ay ''kabal at kunat.'' Ibig sabihin, hindi sila basta tatablan ng mga sakit at karamdaman at kung nagkataon na sila ay ,magkasakit, mabilis ding gumagaling. Ito ang ibig sabihin ng kabal at kunat.
Minsan, nagkukuwentuhan kami ng mga kaibigan ko tungkol sa agimat na kabal at kunat na gusto raw niyang magkaroon siya. Pero sabi ko, hindi madali ang magkaroon nito at hindi na ito kailangan ng mga nasa earth sign dahil likas na matibay at makunat ang kanilang katawan.
Sabi ng isa pa naming kaibigan, ayaw niya ng ''kabal at kunat'' at kung puwede ay 'yung kabal'' na lang ang kanya tanong nu'ng una, bakit '' kabal'' lang ang gusto mo? Mabilis niyang sinagot na 'yung misis raw niya ay makunat, as in, madamot o mahirap hingan at sabay-sabay kaming napatawa.
At dahil sa matibay at makunat ang katawan ng mga nasa earth sign, pangkaraniwan ng nauunang mamata ay ang kanilang mga partner in life. Sa ganitong katotohanan, mauuna sa'yo ang iyong ka-live-in. Kaya, hindi applicable sa'yo ang foreever, as in, hanggang sa ikaw ay mamatay. Pero sa panig niya ay puwede dahil nga siya ay mauuna.
Per sa totoo lang, puwede rin namang sabay kayo. Kapag iningatan ng mga nasa air sign ang mga bahagi ng kanilang katawan na may kaugnayan sa hangin o sa hininga, 'yun, aabot siya sa sobrang katandaan. At baka nga mauna ka pa sa kanya.
Ang isa pang ''forever'' na kahit sa langit ay magsasama ay malaong mangyari kasi ang mga ganitong matatamis na salita ng pag-ibig ay wisi lang ng mga tao sa mundo. Alam mo, minsan nu,ng si Lord Jesus Christ ay narito pa sa lupa, tinaning Siya ng mga dalubhasa sa kautusan ni Moses at heto ang sabi sa Kanya: ''Heto, ang isang taong maraming naging asawa, sino sa mga asawa niya ang kanyang makakasama sa kabilang buhay o sa heaven?'' Akala ng mga nagtanong kay Jesus ay mahirap na tanong ito pero simple lang ang sagot ni Jesus at sinabi, ''wala kahit isa sa mga naging asawa niya ang makakasama niya sa langit.'' Ibig sabihin, para sa lupa lang ang tinatawag na erotic love na nag-uugnay sa mga mag-asawa, sa magkakarelasyon at sa mga magkaka-live-in.
Oo, nasa earth sign din ang mga nahihirapang magkaanak pero puwede pa rin naman silang mabuntis. Ganito, dahil nga sa may kabal at kunat ang kanilang katawan at inirerekomenda na masahihin o hilutin mula sa medyo mahina hanggang sa talagang malakas ang mga bahagi ng katawan mula sa mismong tiyan, balakang at sa may sex organ at sa hita. Subukan mo at kahit ikaw lang mag-isa ay makakaya mong gawin 'yan.
Ang tungkol sa pag-a-abroad mo ay hindi na iminumungkahi dahil sa patapos na rin ang best time para ka magtrabaho sa abroad. Kaya mas maganda na magnegosyo ka na lang at ang magandang negosyo para sa nasa earth signs ay ang mga produktong may bunga ng mga halaman at ang inaani sa mga farm.
tama kasi may agimat ako kabal at kunat bato na bilog kulay puti at hindi mabasag kahit pokpokin ng maso
TumugonBurahin